-- Advertisements --

Masayang inananusyo ni Miriam Quiambao na ligtas siyang nagsilang sa pangalawang baby nito sa edad na 46.

Nito pang July 12 ng gabi nanganak ang dating beauty queen pero ngayong araw lang nagbahagi sa publiko.

May palayaw bilang si baby “Ziki,” may bigat ito na 7lbs nang ipanganak.

Noong nakaraang taon nang aminin ni Quimbao at asawang kapwa inspirational speaker na si Ardy Roberto na nagdarasal pa lamang sila para sa isa pang “miracle” baby sa kabila ng coronavirus pandemic.

Ang kanilang panganay ay dalawang taong gulang pa lamang.

Taong 2014 nang ginanap ang kanilang garden wedding at “four years in the making” bago nakabuo noong 2018.

Kung maaalala, naging memorable ang pagiging kinatawan ni Quiambao sa 1999 Miss Universe pageant matapos itong madapa sa gitna ng pagrampa suot ang long gown.

Sa kabila kasi ng nangyari, ay pinalakpakan pa rin siya ng audience at abot kamay ang title sa pamamagitan ng pagiging first runner-up.