-- Advertisements --

Nakatakdang magtungo ang Optical Media Board (OMB) sa Quezon City Regional Trial Court ngayong umaga.

Ito’y para sa pagsasampa ng administrative at criminal cases laban sa mga suspek na namimirata umano ng ilang entries sa 2020 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Batay sa impormasyon, 49 ang kasong kriminal na isasampa ng OMB at apat na katao ay nasa kanilang kustodiya na.

Ito ay ang mga personalidad na nasa likod ng ibat ibang social media account na sangkot diumano sa illegal streaming, downloading, at commercial distribution ng 46th MMFF “magic 10” entries.

Kabilang sa mga unang naging biktima ng piracy ay ang comedy entry naMang Kepweng” tampok si Vhong Navarro, gayundin ang may touch of drama na “The Boy Foretold By The Stars,” at ang big winner sa Gabi Ng Parangal na “Fan Girl.”

“Ang pamimirata ay labag sa batas. Isumbong sa OMB ang mga namimirata. Mag-text sa 09173292568,” pagpapaalala muli ni OMB Chair Christian “Agila” Natividad sa publiko.

Kahapon nang maganap ang pinakabagong entrapment operation sa pangunguna na anti-piracy task force.