-- Advertisements --
image 128

Iniulat ng Department of Health (DOH) na sumampa na sa 49.7 million ang nasayang na doses ng COVID-19 vaccines.

Ibinunyag ni Senator Pia Cayetano na siyang dumidepensa sa panukalang pondo ng DOH para sa 2024 ang panibagong datos ng pamahalaan sa Senate plenary deliberations.

Nasa 38.54 million dito ay nasayang dahil sa pagpaso ng shelf life.

Paliwanag naman ng DOH na napaka-iksi ng shelf life ng covid-19 vaccine na nasa 6 na buwan habang ang mga na-donate ay nasa 3 months kayat magi-expire talaga ang nasabing mga bakuna.

Mula kasi sa 26.2 milluion bakuna, nasa 48.730 dito ay mula sa mga donasyon.

Kung saan kinumpirma ni Sen. Pia na aabot sa P11 billion hanggang P12 billion ang pondong nasayang dahil sa mga hindi nagamit na mga bakuna kontra covid-19 na binili ng pamahalaan.

Samantala, nilinaw naman ni Sen. Pia na walang pondong inilaan para sa Covid-19 sa ilalim ng panukalang pondo para sa susuniod na taon dahil na rin sa donasyong bivalent vaccines ng COVAX facilities sa bansa.