-- Advertisements --
Nasa 47 indibidwal ang idineklara ng Commission on Elections (Comelec) na nuisance candidate para sa midterm elections sa 2025.
Noong nakaraang buwan, nakatanggap ang poll body ng 183 na certificates of candidacy (COCs).
Naglabas din ito ng paunang listahan ng 66 na indibidwal na ang mga pangalan ay maaaring isama sa opisyal na balota.
Nauna nang sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na plano nilang resolbahin ang lahat ng nuisance candidate na petisyon sa katapusan ng Nobyembre.