-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Pumalo na sa 47 ang kabuuang bilang ng mga tuluyang gumaling mula sa COVID-19 sa lalawigan makaraang makapagtala ng panibagong recovery.

Itoay batay sa pinakahuling tala ng Integrated Provincial Health Offive ( IPHO) Cotabato at DOH-CHD SOCCSKSARGEN region.

Nasa 17 naman ang aktibong kaso matapos na magtala ng isang panibagong kaso ng COVID-19.

Ayon kay PIATF ICP head BM Philbert Malaluan na ang ika-66 na pasyente ay 34-anyos na lalaki mula sa Kidapawan City.

Ito ay may travel history mula sa Maynila na agad sumailalim sa swab test pagkababa nito sa Davao International Airport (DIA) noong September 2.

Diretso naman itong pumasok sa LGU isolation facility pagdating nito sa lalawigan noong Setyembre 3.

Sa kasalukuyan ay asymptomatic at nasa stable condition ang pasyente dagdag pa ni Malaluan.