-- Advertisements --

Napilitang sumailalim sa 14-day hotel quarantine ang 47 players sa Melbourne matapos maiulat na nagpositibo sa COVID-19 ang tatlong pasahero ng dalawang chartered flights na kanilang sinakyan para makadalo sa Australian Open.

Ayon sa mga tournament organizers, dalawang dosenang players na nanggaling sa Los Angeles ang isinailalim sa quarantine matapos magpositibo sa coronavirus ang isang aircrew member at kalahok ng Australian Open na hindi manlalaro.

Kalaunan, isa pang non-player passenger sa flight mula Abu Dhabi ang nag-test positive, dahilan kaya napuwersa ang mga organizers na ilagay ang mga players sa hotel quarantine.

Dinala naman na sa isang health hotel ang tatlong positibo sa virus.

Hindi pahihintulutang makaalis sa kanilang mga kwarto ang mga players sa loob ng dalawang linggo hangga’t hindi pa sila medically cleared.

“We are communicating with everyone on this flight, and particularly the playing group whose conditions have now changed, to ensure their needs are being catered to as much as possible,” wika ni tournament director Craig Tiley.