Simula sa huling bahagi ng Nobiembre, 2023, mararanasan na ng 47 na probinsya sa buong Pilipinas ang tuyot na panahon na dulot ng El Nino phenomenon.
Batay sa inilabas na impormasyon ng Department of Science and Technology(DOST), sampung probinsya ang makakaranas ng dry spell na kinabibilangan ng mga sumusunod: Kalinga, Apayao, Cagayan, Nueva Ecija, Batangas, Cavite, Laguna, Oriental Mindoro at Palawan sa Luzon.
Habang sa Visayas ay inaasahang mararanasan ito ng probinsya ng Guimaras.
Maliban dito, 37 na probinsya naman ang makakaranas ng dry condition.
Kinabibilangan ito ng Marindue, Quezon, Abra, Benguet, Ifugao, Mountain Province, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Isabela, Quirino, Nueva Viscaya, Nueva Ecija, Bataan, Bulacan, Pampanga, Tarlac, Zambales, Aurora, Rizal, Romblon, Spratly Islands, Albay, Camarines Norte, Catanduanes, Masbate, Sorsogon and the National Capital Region para sa Luzon.
Sa Visayas ay inaasahang mararanasan ito ng mga probinsya ng Aklan, Antique, Iloilo, Biliran, Eastern Samar, Northern Samar, Samar and Southern Leyte.
Habang sa Mindanao ay inaasahang mararanasan ito ng Dinagat Islands.
Ang dry spell ay nangangahulugan ng tatlong magkakasunod na buwan na below-normal na pag-ulan kung saan bumababa ang porsyento ng pag-ulan mula 21 hanggang 60%
Ang dry condition naman ay dalawang magkasunod na buwan na pagbaba ng pag-ulan mula 21 hanggang 60%.
Bagaman kalimitang malamig ang temperatura sa bansa kapag sumasapit ang ganitong quarter, posible umanong makaranas ng mas mataas na temperatura dahil sa El Nino.