-- Advertisements --
Nagtala na na naman ng panibagong record ang Italy sa pinakamalaking kaso ng pagkasawi matapos na madapuan ng coronavirus disease o COVID-19.
Sa pinakahuling bilang ay mayroong 475 na tao ang nasawi nitong Miyerkules na siyang pinakamataas na kaso ng kamatayan sa anumang bansa.
Unang record high na naitala ng bansa ay 368 ang nasawi nitong Linggo.
Sinabi ni Italian National Institute of Health chief Silvio Brusaferro na dapat huwag bumigay ang gobyerno sa paghahanap ng paraan para tuluyan ng bumaba ang kaso.
Una ng isinara ang mga negosyo at mga public gatherings noong Marso 12 na magtatapos sa Marso 25 habang ang mga paaralan ay magsasara hanggang Abril 3.