-- Advertisements --

Iniulat ng state weather bureau na naitala ang lugar ng Virac, Catanduanes bilang may pinakamataas na heat index sa buong bansa sa nakalipas na linggo.

Ito ay matapos pumalo ng 47°C at 44°C ang heat index sa nasabing lugar.

Ayon sa nasabing ahensiya posible pa umano itong magpatuloy hanggang sa susunod na linggo kung kaya’t inabisuhan ang mga residente na maghanda.

Ang nasabing heat index ay pasok sa danger category at maaaring makaranas ang mga tao ng heat cramps, heat exhaustion at iba pang kondisyon dulot ng init kung sakaling matagal ang magiging exposure ng mga ito sa araw.

Samantala, inaasahan ngayong araw na aabot as 43°C ang init na mararanasan sa Virac habang tinatayang aabot naman ito sa 46°C sa darating na Martes.