Inilabas ng World Bank ang bago nitong report kung saan mas mababa sa kalahati o 48% lamang ng kabuuang populasyon ng bansa ang nakakatanggap ng ligtas at maayos na water services.
Ayon sa World Bank, kailangan ang mas malawak na suporta ng pamahlaan upang maabot ang universal access para sa malinis na tubig sa bansa.
Sinabi rin ng World Bank na 63% ng mga Pilipino ang mayroong maayos na access sa ligtas na sanitation services, kasama na ang sapat at maayos na palikuran.
Sinabi ng ahensiya na ang mga naturang serbisyo ay mas mababa kumpara sa average services sa regional East Asia Pacific.
Sa naturang rehiyon kasi ay umaabot sa 74% ang average percentage para sa ligtas na water service habang 69% ang average para sa maayos na sanitation services.
Sinabi ni World Bank country director Ndiamé Diop na kailangang i-prayoridad ng pamahalaan ang pagkakaloob ng malinis at ligtas na inuming tubig at sanitation para sa mga Pilipino sa anumang social status.
Batay sa commitment ng Pilipinas sa ilalim ng United Nations Sustainable Development Goals, target nitong maabot ang universal access sa malinis na tubig at maayos na sanitation services pagsapit ng 2030.