Halos kalahating porsiyento ng kabuuang bilang ng mga Pilipino ang naniniwala pang tataas ang kalidad ng kanilang pamumuhay sa susunod na taong 2023.
Ito batay sa isinagawang non-commissioned quarterly survey ng Social Weather Stations noong Setyembre 2023.
Sa datos na nakalap ng mga kinauukulan, nasa 48% ng kabuuang bilang ng mga adult Filipino ang positibo na gaganda ang kanilang buhay sa susunod na 12 buwan, habang 40% ang nagsabing walang magbabago sa kanilang pamumuhay.
Bukod dito ay nakapagtala rin ng SWS ng 6% ng mga Pinoy ang na niniwalang mas lalo pang lalala ang hirap ng kanilang pamumuhay sa susunod na taon.
Ang mga datos na ito na nakalap ng SWS survey ay nagresulta sa isang net personal optimism score na +42 na classified bilang “excellent”.
Ang resultang ito ay halos dikit lamang ng una nang naitala ng mga kinauukulan na +41 score noong June 2023 survey.
Samantala, kaugnay nito ay kapansin-pansin din ang isang puntos na itinaas ng national net personal optimism score sa pagitan ng buwan ng Hunyo hanggang Setyembre na dulot naman ng mga increases sa balance sa Luzon at Mindanao, na samahan pa ng decreases sa Metro Manila, at Visayas.