-- Advertisements --
Kabul
Kabul

Nasa 48 katao ang patay sa magkahiwalay na pang-aatake ng Taliban suicide bombers sa Kabul, Afghanistan.

Naganap ang insidente malapit sa lugar kung saan ginaganap ang election rally ni President Ashraf Ghani.

Hindi naman nasugatan ang nasabing Afghan president.

Nakatakda sanang magtalumpati si Ghani sa Charikar, ang capital ng central Parwan Province ng biglang nangyari ang suicide bombing.
Hindi bababa sa 50 katao ang nasugatan sa insidente.

Pangalawang insidente ng isang lalaki ang pinasabugan ang sarili habang isinasagawa ang rescue operations sa mga nabiktima ng sa unang pagsabog.

Tatakbo kasi sa pangalawang pagkakataon si Ghani para manilbihan ng panibagong limang taon.