Nananatili pa ring apektado ng African Swine Fever(ASF) ang 48 na probinsya sa buong Pilipinas, batay sa pinakahuling report ng Bureau of Animal Industry (BAI).
Lumalabas sa report ng National ASF Prevention and Control Program na apektado ng ASF ang tatlong probinsya sa Ilocos, 5 sa CAR, 4 sa Region 2, 6 sa Central Luzon, 4 sa Calabarzon, at 3 sa Mimaropa.
Nasa limang probinsya rin sa Bicol Region ang nananatiling apektado ng ASF; 5 sa Western Visayas, 3 sa Central Visayas, 4 sa Eastern Visayas, tig -2 sa Zamboanga peninsula at Northern Mindanao, 5 sa Davao, 2 sa Soccsksargen at 5 sa Caraga.
Sa kabilang ng epekto ng ASF sa mga nabanggit na rehiyon, sinabi ng BAI na mayroon nang 453 na siyudad at mga bayan na nasa kategorya ng pink area o buffer zone.
Umabot na rin sa 99 na munisipalidad ang naideklara bilang yellow o surveillance zones at patuloy na binabantayan ng mga otoridad.
Pagtitiyak ng BAI na patuloy itong gumagawa ng kaparaanan upang mabantayan ang mga lugar sa buong bansa na ligtas sa ASF at mapanatiling hindi apektado ang mga ito.
Nauna nang pumirma ang DA at ang Department of Health(DOH) ng isang memorandum of agreement (MOA) kung saan tutulungan ng BAI ang Food and Drugs Administration(FDA) sa pagtukoy ng mga bakuna at gamot na makakatulong sa mga alagang hayop sa bansa, kasama na ang mga baboy.