Aabot sa higit 4,000 armas ang nakumpiska ng Philippine National Police (PNP) sa ilalim ng umiiral na gun ban ng Commission on Elections kaugnay ng papalapit na halalan.
Batay sa datos ng PNP, nasa kabuuang 4,038 armas ang kanilang nakumpiska mula sa 594,810 na operasyon sa buong bansa.
Sa ilalim nito, 4,839 ang indibidwal ang naaresto. Kabilang na rito ang 38 pulis at 17 na sundalo, samantalang nasa 4,557 ang sibilyan.
Aminado si PNP spokesperson Col. Bernard Banac na posibleng tumaas pa ang mga kaso nito habang papalapit ang election day sa May 13.
Sa kabila nito, tiniyak ng pulisya na mahigpit nilang ipinatutupad ang election mode habang tinututukan ang mga operasyon kontra kriminalidad.
Ayon kay Banac higit 140,000 na pulis ang ipakakalat ng PNP sa election duties