-- Advertisements --
Dumating na sa bansa ang kabuuang 49 distressed overseas Filipino workers nitong araw ng Sabado mula sa Saudi Arabia bilang parte ng repatriation program ng pamahalaan.
Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) OIC USec. Hans Leo Cacadac, kasama sa mga ito ang 2 bata na dumating sa NAIA Terminal 1.
Bilang bahagi ng OFWs welfare program, sinabi ng opisyal na ang mga OFW na dumating sa bansa ay pinagkalooban ng P50,000 na tulong pinanisyal mula sa DMW.
Kasama na ang kanilang overnight hotel accommodations, transit at transportation arrangements sa kani-kanilang probinsiya ay sinagot ng OWWA.