-- Advertisements --

Naaresto ang 49 na foreigners sa ikinasang raid operations ng Bureau of Immigration (BI) at ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang hinihinalang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa loob ng isang commercial building sa Macapagal Ave. sa Pasay City.

Ito ay matapos na makatanggap ng tip ang mga otoridad na mayroong nagsasagawa ng isang scam online hub na itinago sa ilalim ng isang lehitimong digital service sa naturang gusali.

Napagalaman ng mga otoridad na tinatarget ng mga banyaga ang parehong local at international victims sa pamamagitan ng iba’t ibang social media platforms.

Ang mga naarestong banyaga ay napagalaman ding nagtatrabaho at naglalagi sa bansa ng walang mga kaukulang visa habang dalawa naman ang natukoy na may mga active derogatory cases.

Samantala, kinomenda naman ni BI Commissioner Joel Anthony Viado ang naging joint efforts ng NBI at ng BI at sinabing isang malaking bagay ang naging operasyon sa pagsugpo sa mga ilegal na POGO sa bansa.