Isang vice governor, mga provincial board member, mayor, vice mayor, at konsehal mula sa limang probinsya ang sumali na sa Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD), ang pinakamalaking partido sa bansa.
Pinangasiwaan ni Speaker Romualdez ang panunumpa ng 49 bagong miyembro na mula sa lalawigan ng Bulacan, Zambales, Mindoro Oriental, La Union, at Iloilo.
Ipinaabot ni Speaker Romualdez ang kanyang kasiyahan sa desisyon ng mga nanumpa na sumali sa Lakas-CMD, ang pinakamalaking partido hindi lamang sa Kongreso kundi sa buong bansa.
Ang patuloy na pagdami ng mga miyembro ng Lakas-CMD, ayon kay Speaker Romualdez ay paglaki umano ng suporta kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at sa Agenda for Prosperity nito.
Noong Lunes, pinangasiwaan din ni Speaker Romualdez ang panunumpa ng 56 bagong miyembro mula sa lalawigan ng Quezon, Catanduanes, Albay at Camiguin.
Ang mga nanumpa noong Martes ay kinabibilangan ng mga Bulacan provincial board member na sina Renato De Guzman Jr. at Arthur Legaspi, at mga konsehal ng bayan ng Sta. Maria, Bulacan na sina Carl Gerard Castillo, Nelson Carmelo Luciano, Jesus De Guzman Jr., at Salvador G. Pleyto Jr.
Nanumpa rin ang mga opisyal mula sa Norzagaray, Bulacan na sina Vice Mayor Patricio L. Gener at Councilors Giulius S. Iapino, Ma. Cleope SP. Pelayo, at Edsel C. Mendoza. Kasama rin nila sina Mayor Agatha Paula A. Cruz at Vice Mayor Banjo Estrella, na kapwa taga-Guiguinto, at Vice Mayor Rolando S. Peralta ng bayan ng Pulilan.
Pormal na ring sumali sa Lakas-CMD sina Zambales Vice Governor Jacqueline Rose F. Khonghun at Board Member Enrique Delgado.
Kasama nilang nanumpa sina Subic Mayor Jonathan F. Khonghun,Vice Mayor Lauro Simbol, at Councilors Ryan Gonzales, Orlando Timbol, Gennyfer Chantengco, Joeben Felarca, at Elmer Tumaca gayundin ang mga inaasahang tatakbo na sina Rowena Sawey, Ronnie dela Cruz Ruel Sarmiento. Si Castillejos, Zambales Councilor Cecil Felarca-Rafanan ay nanumpa rin.
Mula naman sa La Union ay nanumpa bilang miyembro ng Lakas-CMD sina San Juan Mayor Arturo P. Valdriz, Bacnotan Mayor Divina C. Fontanilla, San Gabriel Mayor Lany B. Carbonell, Santol Mayor Magno A. Wailan, at Sudipen Mayor Wendy Joy Buquing.
Nakasama nila sina dating San Fernando City Rep. Pablo Ortega, Board Members Gerard G. Ostrea (Balaoan), Maria Rosario Eufrosina P. Nisce (City of San Fernando), at Jennifer C. Mosuela-Fernandez (Bangar).
Tatlong mayor mula sa Iloilo, sina Jennifer Garin-Colada (Guimbal) Juvic Escorpion (Igbaras), at Roquit Tacsagon (Tubungan), ang nanumpa na rin sa Lakas-CMD.
Samantala si Mayor Henry Joel C. Teves, ng Naujan, Oriental Mindoro ay nanumpa kasama ang mula sa bayan ng Bongabong na sina Joanne Debuque Enriquez, Victoria Baes Padullo, Jeffrey Brucal Alea, Niña Fernandez Atienza, Romeo G. Bayanay, Jeremy Isler Enriquez, Carlito Rosales Frias, Joseph Nathaniel Orongan Gonzales, Jose Rodney Lazaro Liwanag, at Teodosio Anthony Montalbo.