-- Advertisements --

Aabot pa sa mahigit 49 million doses ng COVID-19 vaccines ang nasa cold storage pa ngayon ang naka-store sa national cold storage facililities na hindi pa naipamahagi sa LGUs dahil sa isyu sa logistics.

Paliwanag ni Galvez na walang problema sa distribusyon ng COVID-19 vaccine sa national government kundi sa kapasidad ng mga LGUs na mag-administer ng mga bakuna.

marikina cold storage 1

Kaya’t kailangan aniya na pataasin pa ang capacity ng mga LGUS sa pagbabakuna kada araw at pagbili ng kanilang cold storage system na pag-iimbakan ng COVID-19 vaccines.

Hinihikayat naman ang mga LGUs na taasan ang kanilang daily vaccination outputs.

Pinanukala na rin ng Pangulong Duterte na gamitin ng NTF against COVID-19 ang transportation assets ng AFP at ng PNP para tumulong na rin sa pagdeliver ng mga bakuna sa mga malalayo at isolated na mga lugar .

Maliban pa sa logistics, isa din sa mga nakikitang problema sa pagbagal ng vaccination program sa bansa ang hesitancy ng mga Pilipino na magpaturok laban sa covid19 sa mga probinsiya.

Kaugnay nito, patuloy pa rin naman ang paalala ng gobyerno na lahat ng mga bakunang ginagamit sa bansa ay ligtas at epektibo mula sa pagkakaroon ng severe COVID-9 at kamatayan.

Malaking factor din aniya ang brand preference ng mga tao kaya’t may ilang mga probinsiya ang hindi agad na makapagdistribute ng partikular na brand ng vaccine sa mga LGUs na mas gusto ang western made na COVID-19 vaccines.

Samantala, ayon kay Galvez ang natitirang 49 million doses na nasa stockpile ay maaaring makatulong sa vaccination program hanggang sa buwan ng Disyembre.