-- Advertisements --
Aabot na sa 49 katao ang nasawi sa naganap na sunog sa isang gusali sa Kerala, Kuwait.
Karamihan sa mga nasawi ay mga Indian national na siyang trabahador ng nasabing gusali.
Sa isang pagamutan ay nasa 30 mga Indian national ang ginagamot doon.
Dinalaw sil ang ambassador ng India para kumustahin ang lagay ng mga sugatang biktima.
Isinisi naman ni Deputy Prime Minister Sheikh Fahad Yusuf Saud Al-Sabah ang insidente sa kapabayaan ng nasabing may-ari ng gusali.
Ipinag-utos naman ni Emir Sheikh Meshal al-Ahmad al-Sabah ang agarang imbestigasyon ukol sa nasabing insidente.