Makikinabang ang nasa 49,000 Pinoy seaferers kasunod ng desisyon ng European Union na ipagpapatuloy nito ang pagkilala sa mga certificate ng mga seaferer mula sa Pilipinas.
Ginawa ni Transportation Secretary Jaime Bautista ang naturang pahayag kasabay ng malugod na pagtanggap sa naging desisyon ng EU.
Inihayag din ng DOTr chief na lubos anilang ikinagagalak ang naging desisyon ng EU at tiniyak ang agarang pagresolba sa maraming findings ng European Maritime Safety Agency.
Magugunita kasi ilang buwan ang nakakalipas na nagbabala ang EU na posibleng pagbawalan ang mga Filipino maritime worker na makapagtrabaho sa kanilang mga barko kasunod ng paulit-ulit na pagkabigo ng Pilipinas na makapasa sa evaluation ng European Maritime Safety Agency (EMSA) sa nakalipas na 16 na taon.
Noong Disyembre ng nakalipas na taon, inihayag ng ahensiya ang ilang defeciencies sa parte ng Pilipinas pagdating sa edukasyon, pagsasanay at certification system ng mga Pilipinong seaferer.