-- Advertisements --

Para kay Defense Secretary Delfin Lorenzana wala na raw saysay ang 49 years na pakikipaglaban ng New People’s Army (NPA) sa pamahalaan.

Reaksiyon ito ng kalihim sa nalalapit na pagsapit ng ika-49 na anibersaryo ng NPA sa Marso 29,2018.

Pero muling nanawagan si Lorenzana sa mga NPA na ibaba na ang kanilang mga armas at makipagtulungan na sa pamahalaan sa pagsulong ng kapayapaan.

Payo ni Lorenzana sa NPA, pag-isipang mabuti kung dapat pa bang manatili sa grupo.

Aniya, kung sa 49 na taon na wala silang panalo sa gobyerno, sa palagay ba nila ay mananalo pa sila sa susunod na 50 years.

Samantala, tiniyak naman ni AFP spokesman B/Gen. Bienvenido Datuin na nakaalerto ang AFP sa anumang posibleng binabalak ng NPA sa pagdiriwang ng kanilang anibersaryo.

Naging tradisyon na kasi ng NPA na maglunsad ng pag-atake at panggugulo sa kanilang anibersaryo na sinasabayan din ng kilos protesta ng mga makakaliwang grupo.