-- Advertisements --

Aabot ng 4,500 evacuee-families ang naitala ng Department of Social Welfare and Development (DSWS) mula sa apat na rehiyon na apektado ng bagyong Bising.

Batay sa DSWD’s Disaster Response Operations Monitoring and Information Center (DROMIC) ng ahensya, 4,511 pamilya o 18,603 indibidwal ang kasalukuyang nanunuluyan sa 252 evacuation centers sa Cagayan Valley, Bicol, Eastern Visayas, at Caraga.

Iniulat din ng DSWD na nasa 6,269 pamilya o 24,470 indibidwal ang mas pinili na manirahan muna sa kanilang mga kaanak o mga kaibigan.

Pumalo naman ng 60,601 o 235,572 pamilya ang naapektuhan ng nasabing bagyo. Mula ito sa 965 barangay na nasa apat na apektadong rehiyon.

Naitala naman ng ahensya ang mahigit 1,000 kabahayan na nasira, 82 rito ang totally damaged at 938 naman ang partially damaged.

Sa ngayon ay pinalawig pa ng DSWD at mga concerned local government units (LGUs) ng mahigit P171,000 worth of assistance sa mga apektadong pamilya.