CENTRAL MINDANAO – Makakatanggap ng karagdagang tulong ang mga benepisaryo ng conditional cash transfer o CCT Program sa susunod na taon.
Ito ang kinumpirma ni Department of Social Welfare and Development (DSWD-12) Regional Director Cezario Joel Espejo.
Sinabi ni Espejeo na P500 na monthly health grant ng mga benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps ay itataas sa P750.
Ito ay bukod pa sa dagdag na P700 kada buwan sa isang tahanan na mayroong estudyante sa senior high school.
Ayon kay Espejo kasunod ito ng paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Republic Act 11310.
Layon ng nasabing 4Ps law na mabigyan ng pinansyal na tulong ang mga mahihirap at nakaregister na pamilya.
Sa ilalim ng nasabing batas, ang mga benepisaryo ay mabibigyan ng buwanang tulong na hindi baba sa P300 sa kada anak na nasa daycare at elementarya.
Mapapakinabangan ito ng hindi hihigit sa 10 buwan kada taon.
Habang ang mga naka-enroll naman sa senior high school ay mabibigyan ng tig P500.
Nilinaw ni Espejo ang dagdag na tulong sa mga ito ay nakalakip sa mahigit P158 billion na budget na gobyerno sa susunod na taon