-- Advertisements --
Pinapurihan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) si weightlifter Vanessa Sarno sa kanyang pagsabak sa Paris Olympics.
Si Sarno ay miyembro ng isang household na kabilang sa Pantawid Pamilyang PIipino Program (4Ps) mula sa Tagbilaran City, Bohol.
Lumahok ito sa weightlifting sa ilalim ng women’s 71 kg division.
Ayon sa DSWD, dalawang nakababatang kapatid ni Sarno ay mga benepisyaryo ng naturang programa kung saan ang kanilang ina ay isang solo parent.
Sinabi ng ahensiya na ipinagmamalaki nito ang naging journey ng Olympian at bahagi ng Philippine contingent na lumaban sa Paris Games.
Una nang nakakuha ng dalawang gintong medalya sa South East Asian Games ang naturang atleta.