Ikinalugod ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang resulta ng survey ng Ulat ng Bayan na nagsasaad na 62 porsiyento ng 1,200 respondents ang nasiyahan sa pagpapatupad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Ang Pulse Asia survey, ay naitala din ang pinakamataas na satisfaction rating na 69 porsiyento sa mga respondent mula sa Mindanao.
Sinundan ng 60 porsiyento sa mga respondent mula sa National Capital Region (NCR), at 60 percent mula sa Luzon.
Ayon kay DSWD Asec Romel Lopez, ang kanilang departamento ay nagpapasalamat sa pagtitiwala ng publiko sa kanilang mga programa.
Sinabi ng opisyal ng DSWD na isa sa mga kapansin-pansing nagawa ng 4Ps noong nakaraang taon ay ang paglabas ng 674,452 household-beneficiaries.
Sa humigit-kumulang 4.4 milyong mga benepisyaryo ng sambahayan, ang programa ng 4Ps ay nagbibigay ng tulong pinansyal sa mga pamilyang may pinakamahirap na ekonomiya, na nagsusulong ng mga pagpapabuti sa kalusugan, nutrisyon, at edukasyon.
Una na rito, nangako ang DSWD na patuloy na palalawigin pa ang kanilang mga programa upang maabot ang lahat ng mga Pilipinong nangangailangan ng tulong.