-- Advertisements --

Nakatakda ng ideliver sa March 29, 2017 ang ika-apat na batch ng mga bagong biling FA-50 training aircraft mula sa South Korea sa Clark Airbase, Pampanga.

Ayon kay Philippine Air Force (PAF) Spokesperson Col. Antonio Francisco, ito ay ang dalawa sa anim na natitirang FA-50 Fighter/Surface Attack/ Lead-in Fighters Training Aircraft na darating bago magtapos ang buwan ng Marso.

Sinabi ni Francisco na mismong si PAF chief Lt. Gen. Edgar Fallorina ang magwe welcome sa pagdating ng nasabing fighter jets.

Ang mga piloto mula sa Korean Aerospace Industries, Ltd. (KAI) ang siyang magdedeliver sa nasabing aircraft.

Pahayag ni Francisco na kanilang inaasahan na ngayong taon makukumpleto na ang delivery ng mga nasabing supersonic jets.

Nasa P18.9 billion ang inilaan ng pamahalaan para bilhin ang 12 FA-50 fighter jets.

Naniniwala ang Philippine Air Force na ang pagdating ng mga bagong biling FA-50 Supersonic fighter jets ay malaking tulong para palakasin pa ang kanilang capability lalo na sa territorial defense ng bansa.

Una rito nagsagawa ng familiarization flights ang mga naunang batch ng mga FA-50 fighter jets sa Visayas at sumunod sa Mindanao.