-- Advertisements --
Inirekomenda ng Sweden ang pagtuturok ng ikaapat na dose ng COVID-19 vaccines sa mga may edad 80 pataas.
Ayon sa public health agency ng bansa na isasagawa lamang ito matapos ang apat na buwan pagkatanggap nila ng ikatlong dose o booster shots.
Target nilang mabakunahan ay yung mga nasa nursing home o ang mga may sakit na nasa kanilang mga bahay.
Magugunitang ilang mga bansa gaya ng Israel, Spain at Denmark ang nag-anunsiyo na rin ng pagtuturok ng ikaapat na dose.