-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Nagpadala na ng dental records ng kanilang mga kasundaluhan, ang 4th Infanty Brigade, Philippine Army upang magamit sa pagkilala ng 30 mula sa 37 nilang mga army personnel na namatay nang bumagsak ang kanilang sinasakyang C130 transport plane sa Patikul, Sulu.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Major Francisco Garello, OIC spokesperson ng 4th ID, PA, na sa ngayon, pito pa lang sa 37 nilang napatay na kasamahan ang nakilala.
Ang nasabing bilang ay bahagi ng 49 na mga napatay na military personnel kungsaan ang iba pang 12 ay kinabibilangan ng mga Air Force personnel.
Sa 96 na mga sakay ng nasabing cargo plane, 47 sa kanila ay mga army personnel habang ang mga sugatang survivors ay nananatili pa sa ospital.