Kinumpirma ni House Secretary General Reginald Velasco na mayruon silang inaasahan na maghahain ng ika-apat na impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa isang mensahe sinabi ni Velasco na may ilang miyembro ng Kamara ang humiling ng extension dahil kanilang pinag-aaralan na maghain ng isa pang complaint.
Ayon kay House Secretary General, nasa 10 hanggang 12 miyembro ng House of Representatives mula sa majority at minority blocs ang nagsabi na plano nilang maghain ng ika-apat na impeachment complaint.
Tumanggi naman si Velasco pangalanan ang mga nasabing Kongresista.
Sinabi ni Velasco kung maghahain ng ika-apat na impeachment complaint sa Lunes, January 7, 2025 kaniya na itong ire-refer kay Speaker Martin Romualdez o kaniyang i-delay.
Dagdag pa ni Velasco ang ika-apat na complaint ay kaniyang i-refer sa Legal Department ng Kamara para kanilang pag-aaral.
Sa ngayon mayruon ng tatlong impeachment complaint ang naihain sa Kamara laban kay VP Sara.