-- Advertisements --

Sumentro sa pagpapabakuna ang naging mensahe ni US President Joe Biden ngayong US Independence Day anniversary.

Sinabi nito na magiging tuluyang malaya ang US kapag nabakunahan na ang lahat ng Americans.

Magugunitang ipinagmalaki ni Biden na mababakunahan na lahat ang mga US citizens pagsapit ng US Independence Day.

Ipinagdiriwang ngayon sa US ang 4th of July.