-- Advertisements --

Nagpatupad sa ikaapat na magkakasunod na linggo ng pagtaas ng presyo ng kanilang produkto ang mga kumpanya ng langis.

Kanina ala-6 ng umaga ng simulan ng mga oil companies ang pagtaas ng presyo ng kanilang produkto.

Mayroong P0.80 sa kada litro ng gasolina ang itataas habang P0.80 ang itinaas ng presyo ng kada litro ng diesel.

Umabot naman sa P0.85 sa kada litro ang itinaas ng kerosene.