-- Advertisements --

SUBIC, Zambales – Inaalay ng beteranong canoe paddler na si Hermie Macaranas ang kanyang tagumpay sa bagong silang na anak matapos manalo ng silver medal sa Canoe event ng nagpapatuloy na 30th Southeast Asian Games sa Malawaan Park, Subic, Zambales.

Sa panayam ng Bombo Radyo, emosyunal na inalala ni Macaranas ang kanyang anak na si Hillary sa kanyang nakamit na tagumpay.

Ayon kay Macaranas, mabibigyan na niya ng magandang buhay ang kanyang anak kasunod ng kanyang panao.

Panalo si Macaranas, na tubong Pangasinan, sa men’s single 1000M event matapos na makapagtala ng oras na 4:21 na halos dalawang segundo lamang ang agwat sa gold medalist na si Mahawattanangkul Pitpiboon ng Thailand na may oras na 4:19.

Sa naturang kompetisyon, nakuha naman ng pambato ng Indonesia ang bronze medal (4:24).

Samantala, bigo naman sina Macaranas para sa mens double 1000m event na makasungkit ng medalya at pati na rin sa womens 500m event nang dominahin ito ng Indonesia, Vietnam at Thailand.

Ito na ang pang-apat na sabak sa SEA Games ng 24-anyos na si Macaranas mula noong 2011. (BY: Bombo Framy Sabado)