Nasayang ang 4X5 play na nagawa ng sophomore na si Victor Wembanyama sa pagkatalo ng San Antonio Spurs sa Minnesota Timberwolves.
Tinapos kasi ng Wolves ang laban sa score na 106 – 92 sa kabila ng 20 points, 12 rebounds, 5 assists, at limang blocks na nagawa ni Victor Wembanyama, kasama ang 17 points at 15 rebounds ni Jeremy Sochan.
Pinangunahan muli ni Anthony Edwards, ang Wolves sa score na 26 points at limang rebounds habang double-double naman ang ambag ni Jaden McDaniels – 12pts, 11 rebs.
Nahirapan ang Spurs na tapatan ang opensa ng Wolves mula pa simula at sa kabuuan ng laban ay hawak ng Wolves ang lead.
Natapos ang unang half ng laro na hawak ng Wolves ang 15-pt lead ngunit pinilit ng Spurs na gumangon sa 3rd quarter.
Nagawa nilang mapababa ito sa anim na puntos lamang.
Gayonpaman, bumawi muli ang Wolves sa huling quarter at ipinoste ang 30 points sa kabuuan ng 4th habang 22 lamang ang nakayang iganti ng Spurs.
Sa pagkatalo ng laban, hindi nakapagpasok ng puntos ang batikang point guard na si Chris Paul mula sa limang attempt na pinakawalan.
Gayunpaman, bumawi ito ng siyam na assists at apat na rebound.
Kapwa mayroong tig-13 panalo ang Wolves at Spurs. Sa pagkatalo, 12 na ang nalasap ng Spurs, habang 11 naman sa Wolves.