BUTUAN CITY – Nawalan na ng suplay ng kuryente simula pa kagabi ang Tandag City at lalawigan ng Cantilan sa Surigao del Sur sa kasagsagan ng paghagupit ng bagyong Odette ngunit patuloy pa rin ang paglilikas ng mga kaukulang local government units sa kanilang mga residente na nasa landslide at flood-prone areas kungsaan ayon kay Ronald Briol, tagapagsalita ng OCD-Caraga sa panayam ng Bombo Radyo Butuan, umabot na sa halos 25,000 na mga indibidwal.
Sa ngayon, nasa red rainfall warning na ang mga lalawigan lahat ng mga lalawigan ng Caraga Region na kinabibilangan ng Dinagat islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Agusan del Norte at Agusan del Sur na nagbabanta ng matinding pag-ulan, pagbaha at pagguho ng lupa.
Ito’y matapos na isina-ilalim na sa tropical storm signal #3 pasado alas-11:35 pa kagabi, ang nasabing mga lalawigan kungsaan ang buyo ng malakas na hangin ay 150 km/h duol sa sentro ug bulong moabot sa 185 km/h kung kaya’t pinag-iingat ang lahat lalo na yaong mga nasa low-lying at landslide-prone areas.
Asahan ang pagtaas ng alon at storm surge na aabot sa 2 hanggang 3-metro kung kaya’t ini-utos na ang paglikas sa mga nasa mababang lugar na nasa tabing dagat sa probinsya ng Surigao del Sur, Surigao del Norte at Dinagat Islands.
Samantala niyanig naman ng magnitude 5.1 na lindol ang bayan ng Burgos, Surigao Del Norte pasado alas-9:11 kagabi kungsaan inaasahang wala itong maihahatid na danyos ngunit posible ang mga aftershocks.