-- Advertisements --

JAPAN – Isang 5.2-magnitude na lindol ang naranasan ng central Japan ngayong Linggo ng umaga, subalit walang inilabas na tsunami warning.

Ito ang nilinaw ng Japanese at US authorities

Ayon sa US Geological Survey na ang nasabing lindol ay may lalim na 10 kilometres (6 miles) at may layong 30 kilometres west sa Ina, Nagano na naganap bandang alas-7:02 kaninang umaga.

Wala namang naiulat na na nasaktan o nasira na mga buildings bunsod sa nasabing lindol/

Hindi naman naglabas ng tsunamin warning ang apan Meteorological Agency.

Habang pansamantala naman sinuspinde ang biyahe ng Shinkansen bullet train services habang walang namomonitor na abnormality sa nuclear planst ng rehiyon. —(AFP)