-- Advertisements --
Nagbabala ang Phivolcs sa mga aftershocks na posibleng maranasan matapos yumanig ang magnitude 5.2 na lindol sa bahagi ng Davao Oriental.
Sa datos mula sa ahensya, naitala ang sentro ng pagyanig sa layong 21 kms silangan ng bayan ng Baganga sa nasabing lalawigan.
May lalim itong 35 kms at tectonic ang pinagmulan.
Nairehistro ang intensity 3 sa mga bayan ng Baganga, Manay, at Caraga, Davao Oriental.
Intensity 2 naman sa Cateel, Davao Oriental; at sa mga siyudad ng Bislig, Surigao del Sur at Mati, Davao Oriental; habang Intensity 1 naman sa lungsod ng Davao.
May naitala namang instrumental intensity 1 sa Bislig City; at sa Gingoog City, Misamis Oriental.
Wala naman umanong inaasahang pinsala na iiwan ng naturang lindol.