-- Advertisements --

BUTUAN CITY- Niyanig ng magnitude 5.3 na lindol ang bayan ng Burgos, Surigao del Norte dakong alas 3:18 ng hapon.

Sa impormasyong nakuha mula sa PHIVOLCS, naitala ang lindol na 14 kilometro sa hilaga ng bayan kung saan may lalim itong 26 na kilometro.

Dahil dito, naranasan ang Instrumental Intensity III sa Surigao City; Rosario, Agusan del Sur, Intensity II sa Borongan City, Eastern Samar; Gingoog City, Misamis Oriental at Intensity I sa Catbalogan City, Samar.

Habang naranasan kaagad ang maraming aftershock sa pagyanig kung saan unang naitala ang 3.4 na magnitude dakong alas 3:46 na may lalim na 11 kilometro, sinundan ng 2.8 na magnitude dakong alas 4:16 na may lalim na 7 kilometro, 2.3 din na magitude dakong alas 4:35 ng hapon na may lalim na 13 kilometro, 2.2 magnitude sa 4:45 at 2.0 dakong alas 5:03 nitong hapon na may lalim na 29 kilometro na lindol sa nasabing lugar.

Samantala, walang iniulat na pinsala mula sa lindol kabilang na ang mga aftershock.