-- Advertisements --

Hindi bababa sa 29 ang sugatan habang 1 ang patay sa tumamang 5.4 earthquake magnitude sa Neijiang China, isang lungsod sa Sichuan Province.

Umabot din umano sa 132 na kabayahan ang gumuho at inilipat sa ibang lugar ang halos 2,417 na katao roon.

Mahigit sa 100 miyembro ng paramilitary People’s Armed Police ang ipinadala ng mga awtoridad para sagipin pa ang ilang mga nadamay sa insidente .

Sa tala, 800 lindol na ang tumama sa China magmula 20th Century.