Niyanig ng 5.4-magnitude na lindol ang Turkey’s western Manisa province Wednesday.
Ito ang iniulat ng Turkey’s Disaster and Emergency Management Presidency (AFAD).
Ayon kay provincial governor Ahmet Deniz, may balita itong natanggap na may ilan nasirang gusali ngunit walang naitalang casualties maliban lang sa apat na sugatan.
Naramdaman ang lindol alas-10:22 ng gabi, local time (1922GMT), sa mismong sentro ng Akhisar.
Natukoy na ang sentro ng pagyanig ay may lalim na 6.98 kilometers (4.3 miles).
Mahigit 70 na ang nailatang aftershocks, na dahilan kung kaya nilisan ng maraming residente ang kanilang bahay at sa labas na lang nanatili.
Naramdaman din ng ilang kalapit na siyudad ang lindol kung saan inilarawan nilang non-destructive, at mas mababa sa magnitude 6.0.
Naramdaman din ito sa western cities ng Izmir, Aydin at Denizli.