-- Advertisements --

Pfizer2

Nasa mahigit 5.5 million dose ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine ang naideliver sa Pilipinas ng Estados Unidos sa pamamagitan ng COVID-19 Vaccines Global Access (COVAX) facility sa unang linggo ng Oktubre.

Ang bakuna ay dumating sa bansa sa limang magkakahiwalay na shipment sa Manila, Cebu at Davao mula October 1 hanggang October 6.

Bahagi ito ng 500 milyong doses ng Pfizer vaccine na inilaan ng Estados Unidos para sa patas na pandaigdigang distribusyon sa pamamagitan Covax facility.

Sinamahan ni U.S. Embassy in the Philippines Chargé d’Affaires, ad interim (CDA) Heather Variava ang mga opisyal ng pamahalaan sa pagsalubong sa mga bakunang dumating sa Maynila kamakailan.

Sa pamamagitan ng tulong ng Estados Unidos, ang siyang pinakamalaking donor sa covax facility, umabot na sa mahigit 21.6 na milyong doses ng bakuna ang naideliver sa Pilipinas, kabilang ang 8.8 milyong dose na donasyon ng mga Amerikano.

Pfizer3