-- Advertisements --
Agad na pinawi ng Phivolcs ang anumang pangamba na maaring idulot sa nangyaring 5.6 magnitude na lindol na tumama sa karagatang sakop ng Bohol kaninang alas-9:06 ng umaga.
Ayon kay John Paul Fallarme, science research assistant ng Phivolcs, masyadong malalim na ang ang sentro ng lindol na umaabot sa 567 kilometers o nasa 19 kms south east ng Lila, Bohol.
Wala na ring inaasahang pinsala at tsunami na maidudulot ang nasabing pagyanig liban lamang sa mga aftershocks.
Samantala naitala naman ang intensity I sa Catbalogan, Samar at Borongan, Eastern Samar.