BUTUAN CITY – Kinumpirma ni Nilo Reyes, hepe ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO sa General Luna, Siargao Islands, Surigao del Norte na walang iniwang danyos ang 5.7-magnitude na lindol na yumanig sa kanilang bayan kaninang alas-2:42 ng madaling araw.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ng opisyal na fully operational din ang lahat ng kanilang mga help lines gaya ng linya sa kuryente, tubig at internet atwala ring naitalan nasugatan sa pagyanig.
Dahil dito’y patuloy ang kanilang mga tourism activities gaya ng island hopping lalo na’t maraming mga turista, lokal man o dayuhan, ang dumagsa ngayon sa Siargao Islands upang doon na sasalubungin ang bagong taon.
May inilabas umanong advisory ngunit kaugnay lamang ito sa inaasahang mga aftershocks.