Nagbabala ang Pagasa na posibleng lima hanggang walong bagyo ang tatama sa Pilipinas sa susunod na tatlong buwan.
Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Pagasa Deputy administrator Flaviana Hilario, sa buwan ng Hunyo hanggang Agosto mararanasan ng bansa ang naturang mga sama ng panahon.
Paliwanag pa ni Hilario, ang buwan ng Hulyo at Agosto ang itinuturing na peak months o pinakamalakas na panahon ng tag-ulan sa Pilipinas.
Sa buwan din aniya ng Hunyo, mararanasan ng bansa ang generally near normal rainfall condition, maliban sa mga lalawigan ng Apayao, Cagayan, Zambales at iba pang lugar sa Region 1 na makararanas ng mababa sa normal na pag-ulan.
Sa buwan naman ng Hulyo, generally normal above rainfall level ang mararanasan sa bansa maliban sa Mindanao at Southern Visayas.
Habang sa buwan ng Agosto, above normal rainfall na ang mararanasang pag-ulan sa bansa.