Yumanig ang magnitude 5.8 na lindol sa lalawigan ng Sarangani ngayong Miyerkules ng umaga, Abril 16, 2025, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Naitala ang lindol alas-5:42 ng umaga, na may sentro 42 kilometers sa timog-kanluran ng Maitum, at may lalim na 10 kilometro.
Batay sa Phivolcs tectonic ang pinagmulan ng lindol.
Nararamdaman ang lindol sa iba’t-ibang bahagi ng Mindanao tulad ng ilang bahagi ng Sarangani, South Cotabato, at Sultan Kudarat na may Intensity IV.
Intensity III naman hanggang Intensity I ang naramdaman sa mga kalapit na lugar ng General Santos, Koronadal, Davao City, at Bukidnon.
Ayon sa Phivolcs, inaasahan ang mga aftershock at posibleng pinsala, habang patuloy ang monitoring ng mga awtoridad.