Pinagpapaliwanag ng Department of Interior and Local Goverment (DILG) ang limang alkalde ng bansa matapos na nakipag-unahan sa mga health workers na magpaturok ng COVID-19 vaccine.
Sinabi ni DILG Undersecretary Epimaco Densing na binigyan nila ng tatlog araw ang mga alkalde para sa sagutin ang mga alegasyon.
Sakaling mapatunayan ang paglabag ay kanilang isusumite nila ang reklamo sa Office of the Ombudsman para sila ay sampahan ng kaukulang kaso.
Ipapaubaya na rin aniya nila ang Ombudsman na magsampa ng kaso laban sa mga opisyal ng bansa.
Ilang mga pinapasagot ng DILG ay sina Tacloban City Mayor Alfred Romualdez, Mayor Dibu Tuan ng T’boli sa South Cotabato, Mayor Sulpicio Villalobos ng Sto. Nino sa South Cotabato, Mayor Noel Rosal ng Legazpi City, Albay at Bataraza, Palawan Mayor Abraham Ibba.