Pinakawalan na ng Iran ang limang American matapos ang pagkakakulong mahigit na walong taon.
Ayon sa White House na maaring kabilang sa mga napakawalang preso ay sina Emad Shargi, Morad Tahbaz at Siamak Namazi habang hindi pa inilalabas ang pagkakakilanlan ng dalawang preso na nakakulong mula pa noong 2015.
Isang senior official umano ng White House ang nabigyan na ng briefing mula sa Qatari officials ukol sa nasabing usapin.
Ang nasabing pagpapakawala ay may kinalaman matapos na magpatupad ang US ng sanctions ng pag-freeze nila ng $6 bilyon sa Iranian funds.
Lulan ang mga ito ng eroplano na pag-aari ng Qatari government patungo sa Doha kung saan galing umano ang mga ito sa Tehran.
Matapos ang pag-stopover sa Qatar ay didiretso na ang mga ito sa US.
Sinasabing nagkamali ang Iran sa pagkulong sa limang katao kung saan napagbintangan lamang ang mga ito.
Ito na ang pinakabagong high-profile deal mula sa Biden administration para sa pagpapakawala ng Americans dahil sa maling pagpapakulng na ang mga nauna ay sa Russia at Venezuela.