-- Advertisements --
Sisimulan na sa bansang Singapore ang pagbabakuna kahit sa mga batang limang taong gulang hanggang 11-anyos laban sa COVID-19.
Ito ay makaraang makamit na ng kanilang bansa ang pagbabakuna sa 87 percent ng kanilang 5.5 million population.
Sa abiso ng Singapore health ministry, gagawin pa rin ang vaccination na may gabay ng mga magulang at may sapat na clearance para sa mga batang may dinaranas na sakit.
Nilinaw din nilang hindi buong dose ng bakuna ang ituturok sa mga bata, dahil one-third lamang ang aprubado para sa mga limang taon hanggang 11-anyos.
Positibo naman ang pagtanggap dito ng maraming residente ng naturang bansa.