Itinuturing na pinakabatang kampeo ng Jiu-Jitsu sa buong mundo ang 5-anyos na Filipina na si Aleia Aielle M. Aguilar.
Nangibabaw kasi si Aguilar asa Kids 1 Under-16 category sa Abu Dhabi World Jiu-Jitsu Festival.
Tinalo nito si Maria El Halabi ng United Arab Emirates 6-0 sa semifinals.
Pagdating ng finals ay tinalo nito si Gabriella Vercosa ng Brazil sa pamamagitan ng verbal submission.
Mula sa pamilya ng martial arts si Aielle kung saan ang ina nito na si Maybelline Masuda ay dating world champion at gold medalist ng 2014 Asian Beach Games at ang ama nito ay URCC founder Alvin Aguilar na siang black belter ng Brazilian jiu-jitsu.
Kuwento ng ina nito na tatlong linggo pa lamang ang anak ng dalhin niya ito sa kaniyang training at tuwing may tournament ang ina ay lagi itong nandoon.
Pinasalamatan nito ang mga Filipino sa Abu Dhabi dahil sa suporta nila sa kaniya pagdating nila doon.