-- Advertisements --

DAVAO CITY – Wala nang buhay ang isang limang taong gulang na batang lalaki na si Clark Kent Canda, residente ng Brgy. Communal, Buhangin District Davao City.

Ito’y matapos malunod sa adult swimming pool ng San Josue Resort sa Barangay Aliongto lungsod ng Dabaw.

Napag-alamang nag-outing sa nasabing resort ang pamilyang Canda ngunit sa hindi inaasahan, may mangyayaring trahedya pala sa nasabing bata.

Sa inilabas na imbestigasyon ng Sasa PNP, nabatid na nahulog ang bata sa adult swimming pool at nadiskubre lamang na lumulutang na ito matapos matagpuan ng bisita na kinilalang si Antonio Parado Jr. ang bangkay.

Agad namang humingi ng tulong sa On-Duty Life Guard at sinubukang i-revive ang bata sa pamamagitan ng Cardiopulmonary Resuscitation o CPR ngunit wala na itong response.

Mabilis na dinala sa ospital ang bata ngunit hindi na ito nakaabot pa ng buhay.