-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang bata nang mahulog sa ginagawang septic tank sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima si Stephen Dave Cabanero at residente ng Crossing Egi Barangay Buayan Mlang Cotabato.

Ayon sa ulat ng pulisya,pupunta sana ang biktima sa tahanan ng kanyang tiyahin malapit lamang sa tinitirhan nito.

Nang Makita ng bata ang butas na may tubig ay hinugasan nito ang kanyang paa at aksidente itong nahulog.

Naisugod pa ang biktima sa pagamutan ngunit binawian rin ito ng buhay.